Connect with us

Aklan News

HELPER SA GULAYAN, NAGBIGTI-PATAY

Published

on

Kalibo – Patay na nang matagpuan sa loob mismo ng kanilang bahay sa Andagao, Kalibo ang isang lalaki matapos umano nitong magbigti.

Ayon sa kanyang pinsang lalaki, bandang alas 6:20 kaninang umaga, nagwawalis siya noon nang mapansin niya ang biktimang nakabitay kung kaya’t kaagad nitong tinawag ang iba pa nilang pamilya na pawang mga kapit-bahay lang din nila.

Kaagad din umano nilang tinanggal sa pagkakabitay ang biktima na malamig na ang katawan at wala nang buhay.

Ayon pa sa kanyang pamilya, wala namang naikukuwentong problema ang biktima, maliban sa nasagap nilang kuwento mula sa ilang kaibigan nito tungkol sa pagkabigo umano nito sa babae.

Samantala, kaagad nagsawa ng imbestigasyon sa lugar ang Kalibo PNP maging ang mga taga SOCO, subalit walang nakitang foul play sa pagkamatay ng biktima.

 

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *