Connect with us

Aklan News

PULIS, BALI ANG BRASO NANG MASANGKOT SA AKSIDENTE

Published

on

Bali ang braso ng isang pulis nang masangkot sa vehicular accident kahapon sa bahagi ng main road ng Brgy. Balabag, Boracay.

Kinilala ang biktimang si PCpl. Ronald Vitudio na taga Antique at miyembro ng Malay PNP.

Ayon sa ulat, mula sa Malay PNP headquarters ang pulis papunta sa direksyon ng Diniwid nang mangyari ang insidente.

Subalit habang bumibwelo sa mataas na daan, biglang tumawid ang motor na minamaneho ni Mar Visca, 26 anyos ng Sitio Hagdan, Brgy. Yapak, Malay.

Nagtamo ng minor injuries sa katawan si Visca habang nabali naman ang kanang braso ng pulis na agad na dinala sa isang pribadong ospital sa Kalibo.

Nagkaareglo naman ang magkabilang panig.

 

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *