Connect with us

Aklan News

MOTOR, SUMEMPLANG DAHIL SA TUMAWID NA BATA

Published

on

Naaksidente ang isang motorsiklo bandang alas 8:00 kaninang umaga sa highway ng Lapnag, Banga.

Sanhi nito, sugatan ang driver ng motorsiklo na si Gay I-C Baltazar, 33 anyos ng Balactasan, Madalag, kasama ang kanyang angkas na si Imelda Nadura, habang sugatan din at nabalian ng kanang paa ang 8 taong gulang na batang biktima.

Base sa imbrstigasyon ng Banga PNP, papuntang Pobalcion, Banga ang motorsiklo nang mapansin umano ng driver ang 2 babae at 1 batang naglalakad sa kalsada.

Iniwasan umano sana ang mga ito ng driver, subali’t bigla na lamang umanong tumawid ang bata na nagkataong hindi hinahawakan ng kanyang mga kasama.

Nang makapanayam naman ng Radyo Todo ang driver ng motorsiklo, sinabi nito na hindi na niya naiwas pa ang manobela dahil sumabit na umano ang siko ng bata doon.

Resulta, sumemplang ang motorsiklo na nagdulot ng pinsala sa kani-kanilang katawan.

Kaagad silang dinala ng mga taga MDRRMO-Banga sa ospital, subali’t kaagad naging outpatient ang mga nasa motorsiklo, habang patuloy pang ginagamot ang bata.

Samantala, ayon pa sa driver, nagkasundo narin umano sila ng pamilya ng bata kaugnay ng gastusin-medikal ng nasabing pasyente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *