Connect with us

Aklan News

LASING NA NAHULI SA CURFEW, NAKAPKAPAN PA NG MARIJUANA

Published

on

Photo Courtesy| MalayBoracay PNP Masaligan

Inabot na ng madaling araw sa kalsada ang isang lalaking lasing sa Brgy. Manocmanoc, Boracay Island, Malay kaya nasita ito ng mga kapulisan at nakapkapan pa ng pinaniniwalaang marijuana.

Nakilala ang lalaki bilang Jay-R Morales Taunan, 28 anyos ng Sitio Tulubhan, Manocmanoc, Boracay.

Batay sa report ng kapulisan, nilapitan ito ng mga naglilibot na pulis dahil sa pagsisigaw nito. Pinagsabihan din ito ng kanyang paglabag sa curfew pero sinigawan at minura pa nito ang mga otoridad.

Nakuhaan pa ito ng isang sachet ng pinaniniwalaang marijuana nang dalhin sa istasyon ng pulis at isailalim sa body search.

Inihahanda na ng mga pulis ang kaukulang kaso laban sa akusado.

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *