Connect with us

Aklan News

LALAKING NAWAWALA AT PINANINIWALAANG INANOD NG BAHA, NATAGPUAN NA

Published

on

Tangalan – Natagpuan na bandang ala 1:15 ngayong hapon sa dagat na bahagi ng Afga, Tangalan ang lalaking missing at pinaniniwalaang inanod ng baha kahapon.

Ito ay ang biktimang si Ricky Tapayan na residente ng Pangpang Dos, Brgy. Tondog.

Kinumpirma ito ng Tangalan MDRRMO kasunod ng kanilang paghahanap sa lalaki, na sinasabing nakita umano ng isang mangingisdang si Henry Traje, habang palutang-lutang ang biktima sa dagat.

Ayon pa sa MDRRMO Tangalan, naka-underware lamang umano ang biktima habang nakataob sa tubig nang makita ng mangingisda.

Kaagad namang dinala sa isang punerarya ang bangkay ng nasabing biktima.

Magugunitang simula pa kahapon ang paghahanap kay Tapayan na sinasabing tinangay ng tubig-baha matapos nitong tumawid sa ilog para iligtas sana ang alagang baka.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *