Connect with us

Aklan News

BINATA, NAGBIGTI-PATAY

Published

on

Balete – Patay na nang matuklasan ng kanyang pamilya ang isang binata sa isang barangay sa Balete matapos umano itong magbigti.

Sa police report ng Balete PNP, nabatid na ipinagbigay-alam ng mismong kapatid ng biktima ang insidente sa Balete PNP mag-aalas 3:00 kaninang madaling araw, na kaagad namang nagsagawa ng imbestigasyon sa lugar.

Base pa sa pagsisiyasat ng mga pulis, natuklasan na lamang umano ng kanyang pamilya ang pagbigti ng 22 anyos na binata sa loob mismo ng kanilang bahay gamit ang isang extension wire.

Kaugnay pa nito, nagpahayag naman ang kanyang pamilya na walang foul play sa kanyang pagpapatiwakal, lalo pa’t lumalabas na nagtalo pa ang biktima at kanyang kasintahan sa cellphone bago nangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *