Connect with us

Aklan News

LALAKING NABIKTIMA UMANO NG PAGKALUNOD, NATAGPUANG PATAY

Published

on

Patay na nang matagpuan sa ilalim ng tulay ang isang lalaki matapos umanong mabiktima ng pagkalunod habang naliligo kaninang tanghali sa Aklan River.

Sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nakilala ang biktimang si Michael Macahilig, 38 anyos ng Mabini St.,Poblacion, Kalibo.

Base pa sa imbestigasyon, bandang alas 11:40 kaninang tanghali nang maligo sa ilog ang biktima na bigla na lamang umano itong nawala.

Kaagad umano siyang hinanap at natagpuan ng ilang residente sa lugar, hanggang sa dumating ang mga taga MDRRMO.

Sinubukan din umano siyang irevive ng mga ito, subali’t hindi na siya nailigtas sa kamatayan.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *