Connect with us

Aklan News

LALAKING NAGBARIL UMANO SA SARILI, PATAY

Published

on

By

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Philippine National Police sa umano’y lalaking nagbaril-patay sa sarili sa Brgy. Nabaoy, Malay.

Naganap ang insidente alas-7 kagabi, sinasabing natagpuan na lamang ng kanyang anak na lalaki ang biktima na wala ng buhay sa loob ng kanilang bahay kubo.

Narekober sa lugar ng insidente ang isang kalibre 38 na baril na pinaniniwalaang ginamit nito sa pagpapakamatay.

Matapos madiskubre ang pangyayari, nagsumbong ang anak ng biktima sa kanilang pamilya at dinala ang katawan nito sa Nabaoy plaza.

Dinala na ang katawan ng biktima sa punerarya at nakatakdang isailalim sa paraffin at post mortem examination.

NOTE: Kung may problema ka at gusto mo ng kausap, maaari kang tumawag sa: National Center for Mental Health Crisis Hotline (NCMH-USAP) sa 0917-899-USAP (8727) o sa 7-989-USAP (8727). Hopeline PH 24/7 hotlines: 0917-558-4673 (Globe) 0918-873-4673 (Smart) 2919 (toll-free for Globe and TM)

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *