Connect with us

Aklan News

KAPATID, TINAGA NG KUYA

Published

on

Kalibo – Sugatan ang isang lalaki matapos tagain ng mismong kuya bandang ala 1:00 kaninang madaling araw sa Purok 3., C. Laserna St., Poblacion, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Rolando De Tomas, 27 anyos, at ang kuya niyang suspek na si Robert Phillip De Tomas, 28 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Kalibo PNP, magkasama sa inuman sa isang bahay doon ang dalawa nang magtalo ang mga ito sa hindi matukoy na dahilan.

Kasunod nito, bigla na lamang umanong bumunot ng patalim ang suspek at tinaga nito ang kapatid sa kaliwang braso.

Kaagad na dinala sa pagamutan ang biktima, habang tumakas naman ang suspek pagkatapos ang krimen.

Kaugnay nito, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon at manhunt operation ng Kalibo PNP kaugnay ng insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *