Connect with us

Aklan News

MANGANGAHOY, NAKURYENTE-PATAY

Published

on

Malinao – Dead on arrival sa ospital ang isang lalaking mangangahoy matapos umanong makuryente mag-aalas 6:00 kagabi sa Kinalangay Viejo, Malinao.

Nakilala ang biktimang si Robert Arevalo, 37 anyos ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Malinao PNP, natagpuan na lamang ang biktimang nakabulagta malapit sa balon, habang nakasampay sa kawad ng kuryente ang kanang kamay.

Kaagad umano siyang dinala sa ospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Nabatid na may bakas ng pagkapaso sanhi ng pagkakuryente ang kanang kamay ng biktima, kung kaya’t pinaniniwalaang nahawakan ng biktima ang linya ng kuryente na nakakabit sa water pump doon sa di kalayuan ng balon nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *