Connect with us

Aklan News

LALAKI, SINAKSAK NG KA BOARDMATE, SUSPEK SUMUKO

Published

on

Kalibo – Sugatan ang isang lalaki matapos saksakin sa likod ng mismong ka boardmate alas 7:30 kagabi sa Capitol Subdivision, Estancia, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Luisito Zonio, 29 anyos ng Ortega, Libacao at ang suspek na si Wilmer Nagamos, 21 anyos ng Calamcan, Libacao, kapwa mga boarders sa naunang nabanggit na lugar.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, magkasama sa isang inuman sa Andagao ang dalawa, nang nauna umanong umuwi ang suspek sa kanilang boarding house.

Doon na rin umano nito inabangan ang biktima at sinaksak sa likod, at kaagad tumakas matapos ang indidente.

Base pa sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, na-‘bully’ umano ni Zonio doon sa kanilang inuman si Nagamos, at hinintay niya ang pag-uwi nito para maghiganti.

Samantala, kusa namang sumuko alas 9:00 kagabi sa Kalibo PNP Station ang suspek kung saan siya naka-detene ngayon habang inihahanda ang kasong Attempted Murder na isasampa laban sa kanya.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *