Connect with us

Aklan News

DEATH THREAT: KATODONG CHE INDELIBLE, PINADALHAN NG PANDESAL NA MAY MGA BALA NG 9MM

Published

on

Patuloy na naninindigan si Katodong Che Indelible sa pagserbisyo sa publiko sa kabila ng mga natatanggap na pagbabanta sa buhay bilang anchorman ng programang Todo Aksyon sa Radyo Todo Aklan 88.5 fm.

Nakatanggap ng pandesal na may palamang mga bala ng 9mm na baril si Katodong Che kahapon, ito ay  dinala ng isang lalaking nakasuot ng facemask at sombrero na nasa 5’5 ang taas at tinatanyang may edad na 50-60 ilang minuto lang matapos siyang dumating at bago magsimula ang kanyang programa.

Tinanggap ito ni Katodong Rolly Herrera at binigay sa kanya. Hindi naman niya ito tiningnan at pinakain sa mga kasama. Pero nagulat ang mga kasamahan nito ng makitang bala ng 9mm ang palaman ng 4 na pandesal.

Makalipas ang ilang minuto, dumating na ang mga pulis matapos na ipa-blotter ang insidente.

Tingin ni Katodong Che ay isa sa mga malalaking tao na nasagasaan o tinalakay niya bilang isang radio commentator ang may pakana ng pagbabanta.

May lead na rin ang Kalibo PNP sa kung sino ang posibleng nasa likod nito.

Sa kabila nito, nanindigan si Indelible sa kanyang serbisyo, “Rest assured nga ro Katodong Che nga nakilaea nanda nga hard-hitting commentator sa Radyo Todo hay magapabilin, no one can hinder me sa akon commentary. Ag magapabilin nga magabulig especially sa mga kubos.”

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *