Connect with us

Aklan News

DALAWA, SUGATAN SA INSIDENTE NG HIT AND RUN

Published

on

Dalawa ang biktima ng hit and run alas 8:20 kagabi sa Andagao, Kalibo.

Nakilala ang mga biktimang sina John Matubang, 55 anyos, at Julie Dela Cruz, 34 anyos, kapwa residente ng Libuan Sur, Banga.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP Traffic section, nagmomotorsiklo ang dalawa galing J.Cardinal Sin Avenue papuntang Poblacion, Kalibo nang makabanggaan ang isang motorsiklo na tumawid ng kalsada papunta sa direksyon ng New Washington.

Resulta, sumemplang ang motorsiklo ng dalawa, rason ng kanilang sugat sa katawan, habang hindi naman tumumba ang nakabanggaan nilang motorsiklo na kaagad umanong tumakas matapos ang insidente.

Nabatid na kaagad dinala sa pagamutan ang biktimang si Julie, sanhi ng tinamo nitong sugat at pinsala sa katawan.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *