Connect with us

Aklan News

WANTED PERSON SA KASONG CARNAPPING, ARESTAD

Published

on

Makato – Nasakote ng mga otoridad ang isang wanted person na may kasong carnapping kaninang alas 9:30 ng umaga sa Pob. Makato.

Nakilala ang akusadong si Alvin Piano, 28 anyos, walang asawa, isang laborer at tubong Brgy. Calimbajan, Makato subalit kasalakuyang naninirahan sa Brgy. Badio, Numancia.

Inaresto si Piano ng pinglagsanib na pwersa ng Makato PNP sa pangunguna ni PLT. GELBERT O BATILES, OIC, at Aklan Police Provincial Highway Patrol Team sa ilalim ni PMAJ. Nathaniel M. Frorendo, Provincial Officer, sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Hon. Jemena Abellar Arbis, Presiding Judge, RTC 6, Branch 6, na may petsang February 24, 2021 sa kasong paglabag sa RA 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016 n may Criminal Case No. 15723.

Php200,000 ang inirekomendang pyansa ng korte para pansamantalang kalayaan ni Piano.

Nakatakda namang isinumite sa korte ang nasabing akusado.

Years/background in Media works: 22 years
Why chose this profession: It's my DESTINY
Principle in life: Never expect. Never assume. Never ask. And never demand. Just let it be, if it's meant to be, it will happen.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *