Connect with us

Aklan News

TOPDOWN TRICYCLE BUMANGGA SA GUTTER, 1 PATAY

Published

on

BANGA – Nahaharap ngayon sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide ang isang driver ng topdown tricycle matapos binawian ng buhay ang kanyang sakay sa aksidente alas 2:45 kahapon ng hapon sa barangay road ng Linabuan Sur, Banga.

Nakilala ang biktimang si Jose Mario Revicente, 57 anyos at ang driver ng topdown na si Reymond Castro, 20 anyos, at pawang residente ng Cupang, Banga.

Base sa imbestigasyon ng Banga PNP, nakipag-inuman pa umano ang dalawa sa mga kasama matapos ang panggagapas ng palay sa Mataphao, New Washington.

Batay pa sa Banga PNP, mabilis ang pagpapatakbo ni Castro sa topdown, habang umiiwas sa mga lubak na bahagi ng kalsada, subali’t nawalan umano ito ng kontrol sa pagmamaneho rason na dumeretso ang mga ito sa gutter at bumangga.

Dahil dito, sinasabing tumilapon si Revicente mula sa topdwon at tumama sa semento ang kanyang ulo habang nakahawak naman sa manobela ang driver.

Naisugod pa sa ospital si Revicente, subali’t doon din ito binawian ng buhay habang ginagamot.

Samantala kaagad ikinustodiya sa Banga PNP Station si Castro habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *