Connect with us

Aklan News

LALAKING NAGMOMOTOR, PINAGTATAGA, SUSPEK SUMUKO

Published

on

Photo| Jess Salonzo/Radyo Todo Aklan

Sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang tinamo ng isang 62 anyos na lalaki matapos pagtatagain sa Alibagon, Makato.

Nakilala ang biktimang si Napoleon Isturis Fulgencio,  residente ng nasabing lugar, habang nasa kostodiya na ngayon ng Makato PNP Station ang suspek na si Altier Estilloro alyas ‘Daboy’, 20 anyos ng Bay-bay, Makaton na sumuko mismo kay Aklan PPO Provincial Director Police Col. Ramir Perlito Perlas.

Base sa imbestigasyon ng Makato PNP, nagmomotorsiklo ang biktima pauwi galing Baybay, Makato nitong Sabado nang bigla na lamang umano itong pinagtataga ng suspek sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.

Kaagad namang sinaklolohan at dinala ng mga residente sa provincial hospital, subali’t inilipat kinalaunan sa Mission Hospital.

Ayon kay PSSgt. Joebert Zubiaga ng Makato PNP, dating alitan ang tinitingnang motibo sa krimen dahil nabatid na napatay ng biktima ang kapamilya ng suspek may ilang taon na ang nakalipas.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang suspek para sa karampatang disposiyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *