Connect with us

Aklan News

LALAKING TUMATAWID SA KALSADA, NABANGGA NG MOTOR

Published

on

Kalibo – Sugatan ang isang lalaki matapos aksidenteng mabangga ng humaharurot na motorsiklo habang tumatawid sa kalsada bandang alas 7:00 nitong umaga sa Estancia, Kalibo.

Kahit sugatan, personal pa ring nagsumbong sa Kalibo PNP ang biktimang si Giller Veloso, 20 anyos ng Bachaw Sur, Kalibo para ireport ang insidente matapos umano siyang ‘indianin’ o hindi siputin ng driver ng nakabanggang motosiklo.

Ayon sa biktima, tumatawid siya noon para bumili ng pagkain, subalit aksidenteng mabangga ng motorsiklo na papuntang Poblacion, Kalibo.

Tumumba rin umano ang motorsiklo ngunit suwerteng hindi naman nasugatan ang driver.

Inalok din umano siya nito na babalikan at ihahatid sa ospital, subalit hindi na umano ito dumating.

Umaasa naman ang biktima na babalikan siya ng nasabing motorista para panagutan ang nangyari.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *