Connect with us

Aklan News

BALUT VENDOR, TINAGA NG KAPWA BALUT VENDOR, PATAY

Published

on

Boracay – Patay ang isang balut vendor matapos pagtatagain ng kapwa balut vendor mga dakong alas 10:35 kagabi sa Sitio Hagdan Brgy.Yapak, Boracay, Malay.

Nakilala ang biktimang si Janito Descalzo, 56 anyos ng Matagnop, Dao Capiz at pansamantalang nakatira Sa Zone 4 Sitio Hagdan, Brgy. Yapak, Boracay.

Nakilala naman ang suspek na si Romeo Tibangin, 74 anyos, tubong Pangasinan at pansamantalang nakatira sa nasabing lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Malay PNP napag-alaman basi sa kuha ng CCTV footage na bago mangyari ang insidente ay nakitang nakaupo sa nakaparadang motorsiklo ang biktima ng bigla na lamang itong pagtatagain ng suspek na mula sa kanyang likuran at nagtamo ng tama sa iba’t- ibang parti ng kanyang katawan.

Sinubukan pang tumakbo ng biktima pero hinabol parin ito ng suspek.

Naisugod pa sa hospital ang biktima Pero deniklara itong dead on arrival.

Kaagad naman naaresto ng Malay PNP ang suspek na ngayon ay pansamantalang nakakulong sa Malay PNP sa Isla.

Narekober rin ng mga rumesponding pulis ang itak na ginamit nito Sa nasabing krimen.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Malay PNP kung anu ang motibo sa nasabing insidente.

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *