Connect with us

Aklan News

LALAKING WANTED SA KASONG ATTEMPTED HOMICIDE, ARESTADO

Published

on

Banga – Arestado bandang alas 10:30 kaninang umaga sa Mambog, Banga ang isang lalaking wanted sa kasong Attempted Homicide.

Nakilala ang akusadong si Marlon Dela Cruz, 41 anyos ng nasabing lugar.

Base sa report ng Banga PNP, isinilbi nila sa akusado ang warrant of arrest na nilagdaan at ibinaba ni Hon. Lollie Ureta-Villaruel, Presiding Judge, 2nd MCTC (Banga-Libacao-Madalag) Banga, Aklan nito lamang nakaraang Miyerkules, February 24, 2021.

Ayon pa sa Banga PNP, ini-remit nila kanina ang akusado sa Aklan Rehabilitation Center dahil hindi umano ito nakapagpiyansa ng P36, 000.00 na inirekomenda ng nasabing korte.

Samantala, nabatid mula pa sa Banga PNP na nagawa umano ng akusado ang krimen noong nakaraang October 25, 2020.

Badahin👉

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *