Connect with us

Aklan News

MGA KALIBONHON, WALANG DAPAT IKABAHALA SA BAKUNA – MAYOR LACHICA

Published

on

Photo Courtesy| Kalibo Public Affairs

“Kita nga mga Kalibonhon hay owa dapat it pag pakahadlok sa raya nga COVID 19 Vaccine.”

Sa kabila ng takot at agam-agam ng publiko sa paparating na COVID-19 vaccine, nag-apela si Kalibo Mayor Emerson Lachica sa mga Kalibonhon na magpa bakuna para maging ligtas sa sakit.

Asahan di umano ng publiko na ginagawa na lahat ng Local Government Unit (LGU) para masagot ang mga katanungan ukol sa bakuna.

Sa Press Briefing on COVID-19 preparation nitong Lunes, ipinaabot ng LGU ang mga ginagawang hakbang hinggil sa pagbili ng COVID-19 Vaccine at ang mga nakalatag na aktibidad ukol sa Vaccination plan.

Kasama rin sa Press Briefing ang mga imbitadong resource persons na nagbigay ng dagdag na impormasyon para mawala ang takot ng publiko sa pagdating ng COVID-19 Vaccine.

Inaanyayahan ng LGU ang lahat na kumuha ng slots sa bakuna kahit na sigurado na sila sa pagpapabakuna o nagdadalawang isip pa lamang ngayong patuloy na ang registration at profiling sa mga barangay.

Sinabi sa press briefing na ligtas ang bakuna at otorisado ito ng Department of Health (DOH) at Food and Drugs Authority (FDA).

Inaasahang darating ang bakuna sa Kalibo sa ikalawa hanggang ikaapat na quarter ng taong 2021.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *