Connect with us

Aklan News

WANTED SA KASONG PAGPATAY, ARESTADO

Published

on

Arestado sa kasong pagpatay ang isang lalaki bandang alas 5:30 kaninang umaga sa Castillo, Makato.

Nakilala ang akusadong si Harvie Masula, 21 anyos ng Agbalogo, Makato.

Ayon sa Makato PNP, nakatanggaap umano sila ng isang Barangay Intelligence Report na naispatan si Harvie sa kabundukan ng Barangay Castillo.

Kaugnay nito, kaagad nagsagawa ng Manhunt Operation ang Makato PNP at matagumpay na isinilbi sa kanya ang nakabinbin nitong warrant of arrest.

Kinumpirma naman ng Makato PNP ang kanyang mandamiyento de aresto na may criminal case number 15634 na nilagdaan at ibinaba ni Hon.Joebil B Delmoro, Presiding Judge RTC 6, Branch 2 nitong nakaraang December 21, 2020.

Nabatid na si Harvie Masula ang isa sa 5 suspek sa pagbaril-patay kay Ariston Puod Ortis noong June 7, nito ring nakaraang taon.

Kasalukuyan siyang nasa kostodiya ng Makato PNP para sa karampatang disposisyon, subali’t walang piyansa para sa kanyang kaso.

Samantala, iginiit naman ng akusado na kusa siyang sumuko sa mga pulis dahil wala umano siyang kinalaman sa krimen.

Magugunita namang nito lamang nakaraang Pebreo16, 2021 nang sumuko sa mga taga Kalibo PNP ang isang 17 anyos na menor de edad na sinasabing suspek din sa pagpatay kay Ariston.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *