Connect with us

Aklan News

WANTED SA KASONG PAGNANAKAW, ARESTADO

Published

on

Malinao – Arestado bandang alas 7:30 nitong umaga sa Banay-banay, Malinao ang isang lalaking wanted sa kasong pagnanakaw.

Kinilala ng Malinao PNP ang akusadong si Mateo Yansol, 37 anyos ng nasabing lugar.

Ayon sa Malinao PNP, ibinaba ni Hon. Joan Marie B. Bargas Betita, Presiding Judge, MCTC 6th. Judicial Region, Malinao, Lezo, Numancia ang kanyang warrant of arrest kahapon lamang, Pebrero 23, dahil sa paglabag sa RA 302 o Robbery in an inhabited place or in a private building, na isinampa ng isang private lawyer.

Temporaryo naman siyang ikinustodiya sa Malinao PNP Station para sa karampatang disposisyon, subalit pansamantalang makakalaya kapag makapagpiyansa ng P36,000.00 na inirekomenda ng korte.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *