Connect with us

Aklan News

2 RIDER PATAY, MATAPOS MADAGANAN NG NATUMBANG WING VAN

Published

on

Photo Courtesy| Nabas PNP

Nabas, Aklan – Dalawa ang patay sa nangyaring aksidente kagabi sa Brgy. Buenaswerte Nabas, Aklan.

Nakilala ang mga biktimang namatay na sina Jomar Ighut, 32 anyos at backrider nitong si Sally Esquelito 44 anyos, parehong residente ng Sitio Laguna, Caticlan, Malay, Aklan.

Ayon kay PSSGT Renanthur Prado ng Nabas PNP, galing sa Caticlan ang mga biktima at papuntang Ibajay nang mag overshoot ang nakasalubong nilang wing van sa kanilang linya at aksidenteng tumagilid at nadaganan ang motor na sinasakyan ng mga biktima.

Kaagad na isinugod ng MDRRMO Nabas ang mga ito sa ospital pero idineklara itong dead on arrival.

Sugatan din sa aksidente ang tatlo pang sakay ng motor na sina Augusto Villagracia, 39, residente ng Ondoy, Ibajay at backrider nitong sina Danilyn Maquirang, 38, ng Poblacion, Ibajay at Ryan Laurente, 33 ng Aslum, Ibajay, na muntik na ring mabangga ng wing van pero maswerteng nakaiwas.

Sumemplang din ang mga ito at nagkaroon ng mga galos sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Samantala naka hospital arrest din sa ngayon ang driver ng wing van na si Joey Maravilla, ng Sagay City, Negros Occidental.

Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi nito na wala di umano siyang alam sa pangyayari dahil nakatulog siya.

Nagtamo din ng galos sa katawan ang kanyang pahinante na si Winlove Lemonsito, 18, ng Pilar Capiz.

Inihahanda na ngayon ng Nabas PNP ang kasong Reckless Imprudence Resulting to Double Homicide laban sa suspek.

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *