Connect with us

Aklan News

RIDER NG MOTORSIKLO, BUMANGGA SA NAKAPARADANG TRUCK, PATAY

Published

on

Patay ang isang rider ng motorsiklo matapos aksidenteng bumangga sa nakaparadang truck alas 12:03 kaninang madaling araw sa highway ng Tigayon, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Leover Jay Salonzo, 34 anyos ng Marianos, Numancia, habang nakilala naman ang driver ng Isuzu Cargo Truck na si Randy Victoriano, 32 anyos ng Dumarao, Capiz.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, papuntang Poblacion, Kalibo ang motorsiklo, nang aksidente itong bumangga sa likuran ng nakaparadang truck.

Resulta, sumemplang ang motorsiklo, at nagtamo ng malubhang pinsala sa ulo ang biktima, na kaagaad naman sanang naisugod sa ospital, subali’t doon din binawian ng buhay habang ginagamot.

Sa panayam naman ng Radyo Todo kay Victoriano, sinabi nito na sa gilid ng kalsada sa tapat mismo ng City Hardware niya ipinarada ang truck kung saan may mga street lights, maliban sa inilagay niyang early warning device.

Subali’t nagulat na lamang umano siya nang marinig nang may bumangga sa likuran ng truck, habang doon na sa unahan ng truck tumumba ang motorsiklo.

Ayon pa kay Victoriano, posibleng ang manibela ng motorsiklo ang tumama sa gilid ng truck, dahil hindi naman ito pumailalim sa nasabing sasakyan.

Samantala, kasalukuyan namang nasa kostodiya ng Kalibo PNP ang driver ng truck, para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *