Connect with us

Aklan News

4 KATAO KABILANG ANG 1 MENOR-DE-EDAD, KALABOSO SA ILEGAL NA SUGAL

Published

on

Tiklo ang apat kasama pa ang 1 menor de edad sa anti-illegal gambling operation na ikinasa ng Kalibo PNP pasado alas 4:00 kaninang hapon sa Mercedez Village, New Buswang, Kalibo.

Kinilala ng Kalibo PNP ang mga naarestong sina Richard Tinapunan, 39 anyos, Anthony Pren Damano, 74 anyos, Mark Diodel Tadya, 26 anyos at ang 16 anyos na binatilyo na pawang residente ng nasabing lugar.

Sa ulat ng Kalibo PNP, naaktuhan umano ng kanilang mga operatiba ang mga suspek habang nagsusugal (Pusoy Banca) doon sa gilid ng kalsada.

Kasunod nito inaresto ang mga suspek at narekober umano ang kabuuang P319.00 na pera at mga gambling chips na nagsisilbi nilang taya.

Pansamantala silang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *