Connect with us

Aklan News

LALAKING LUMABAG SA CURFEW, NAHULIHAN PA NG 2 PATALIM

Published

on

Malinao – Kalaboso ang isang lalaki matapos umanong mahulihan ng 2 patalim nang sitahin ito dahil sa kanyang paglabag sa curfew alas 2:47 kaninang madaling araw sa San Dimas, Malinao.

Nakilala ang suspek na si Melbert Cabatac, 19 anyos ng Libang, Makato.

Ayon sa Malinao PNP, tiyempo umanong nagroronda sila kagabi nang maispatan nilang naglalakad malapit sa plaza ang suspek.

Tinitikitan na umano nila ito, nang mapansin nila ang 2 kutsilyo sa baywang ng lalaki, na may habang 17 pulgada, at 10 1/2 naman ang isa pa, rason na kaagad nila itong inaresto at dinala sa kanilang estasyon para sa karampatang disposisyon.

Samantala, ayon pa sa Malinao PNP, aminado naman ang suspek na dala niyang patalim para umano pang ‘self defense’.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *