Connect with us

Aklan News

2 MOTOR NAGKASAGIAN, 3 SUGATAN

Published

on

Banga – Tatlo ang sugatan matapos umanong magkasagian ang dalawang motorsiklo bandang alas 3:40 kaninang madaling araw sa highway ng Linabuan Sur, Banga.

Nakilala ang mga biktimang mag-asawa na sina Rowelo Cordero, 56 anyos at Luz Cordero, 52 anyos, ng Jumarap, Banga, at ang driver ng nakasagian nilang motorsiklo na si Krisian Leigh Castro Verde, 24 anyos ng Cawayan, New Washington.

Base sa imbestigasyon ng Banga PNP, nag-overtake umano sa sinusundang sasakyan ang mag-asawa, na galing Banga papuntang Kalibo, subalit lumagpas umano ang mga ito sa linya ni Verde na papunta naman ng Banga.

Sanhi nito, nagkasagian ang kanilang manobela, rason na kapwa sila sumemplang sa kalsada at nagtamo ng sugat sa kani-kanilang katawan.

Kaagad silang dinala sa ospital at ginamot, habang hinihintay pa ng Banga PNP ang magiging disposisyon ng magkabilang panig sa nangyaring aksidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *