Connect with us

Aklan News

TITSER, SUGATAN MATAPOS BUMANGGA ANG MINAMANEHONG MOTOR SA ISANG KOTSE

Published

on

Image|Numancia MDRRMO

Sugatan ang isang 63 anyos na titser matapos aksidenteng bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang kotse alas 7:45 kaninang umaga sa highway ng Laguinbanwa East, Numancia.

Nakilala ang biktimang si Gabriel Espiritu Vega ng Bulwang, Numancia, na kasalukuyang nagtuturo sa Numancia Integrated School, habang nakilala naman ang driver ng kotse na si Gladyn Fuentes, 23 anyos ng Tugas, Makato.

Base sa imbistigasyon ng Numancia PNP, galing nang Bulwang at papuntang Poblacion, Numancia ang nagmo-motorsiklong biktima, habang galing naman sa Makato ang kotse ni Fuentes.

Nabatid na lumiko pakaliwa ang kotse papasok sa Toyota Aklan kung saan nagtatrabaho ang driver na si Fuentes nang aksidente umano itong nabangga ng titser.

Nag-resultaito sa pagkakasemplang sa kalsada ng motorsiklo, na naging dahilan ng mga tinamong sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ng guro.
Kaagad siyang dinala sa ospital, habang sinabi naman ng Numancia PNP na isang compromise agreement ang nilalakad ng magkabilang panig.
Pansamantala namang naka impound sa Numancia PNP ang motorsiklo at kotse para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *