Connect with us

Aklan News

WANTED SA MURDER NA MENOR DE-EDAD SUMUKO SA KAPULISAN

Published

on

Kalibo Aklan -Boluntaryong sumuko sa mga taga Kalibo Police ang isang Wanted sa kasong Murder alas 9:30 kaninang umaga sa Brgy.Linabuan Norte Kalibo.

Ito ay isang 17 taong gulang na binata na taga Agbalogo Makato.

Ang nasabing menor de-edad ay isa sa limang sangkot sa kasong pag patay kay Ariston Ortis ng nasabing lugar buwan ng Hunyo noong nakaraang taon.

Noong Disyembre lumabas ang Warrant of Arrest laban sa kanila na nilagdaan ni Hon.Judge Joeril R .Delmoro ng RTC 6 Br.2 at walang inerekomedang pyansa para sa pansamantala nilang paglaya.

Ayon naman sa kanya wala syang partisipasyon sa nasabing kremin at hindi nya kilala ang iba pang mga salarin.

Pansamantala sya ngayon na nasa kostudiya ng Kalibo Pnp Station at e-turn over muna ito sa Youth Center dahil sa menor de-edad pa ito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *