Connect with us

Aklan News

LALAKI, BINARIL NG BAYAW, PATAY

Published

on

Credits to the rightful owner.

Madalag – Patay ang isang lalaki matapos umanong barilin ng mismong bayaw bandang alas 7:00 kagabi sa Alas-as, Madalag.

Nakilala ang biktimang si Jonathan Nacuspag, 44 anyos, at ang bayaw nitong suspek na si Jun-jun Apolinario, 42 anyos, at kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Madalag PNP, nag-inuman muna ang dalawa sa bahay ng biktima, na sinundan pa ng pag-inuman din nila kinalaunan sa bahay naman ng suspek, sa di kalayuan.

Umuwi umano pagkatapos noon ang biktima, subalit sumunod pala ang suspek at doon nagkasagutan ang dalawa, hanggang sa tinaga ng biktima ang suspek sa kanang kamay.

Kahit sugatan, umuwi umano si Apolinario at kumuha ng baril at pinaputukan sa dibdib ang kanyang bayaw.

Kaagad umano itong dinala sa Madalag Ospital, subalit idinekrang dead on arrival.

Naka hospital arrest naman ngayon ang suspek para sa karampatang disposisyon.

Ayon pa sa Madalag PNP, sinasabing dati nang may alitan ang dalawa tungkol sa lupa.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *