Aklan News
ILANG BAHAGI NG POBLACION, MAKATO, ISINAILALIM SA ‘TEMPORARY LOCKDOWN’ PARA SA CONTACT TRACING

Published
1 week agoon

Pansamantala munang ipinatupad ang temporary lockdown sa bahagi ng Sitio Libuton (McKinley at delos Reyes Street) sa Poblacion, Makato para sa contact tracing.
Batay sa Executive Order No. 001-2021 ni Punong Barangay Bobby Clyde Legaspi, magtatagal ang lockdown ng 24 na oras o isang araw na magsisimula ngayong ala-1:00 ng hapon at magtatapos bukas Pebrero 16, 2021.
Ito ay para mabigyang daan ang pagsasagawa ng contact tracing sa lugar at maiwasan ang pagkalat ng virus.
Lahat ng sakop ng lockdown ay bawal lumabas sa loob ng itinakdang oras maliban na lamang sa mga may emergency at mga Authorized Personnel gaya ng: Municipal Inter-Agency Task Force, Contact Tracing team, Municipal Health Office Personnel at miyembro ng Philippine National Police (PNP).
You may like
-
WANTED SA KASONG PAGPATAY, ARESTADO
-
LGU LIBACAO, NAGPAALALA SA MAG MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA HEALTH PROTOCOLS SA MGA PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON
-
GATAS NG ISANG INA, NAGKULAY BERDE MATAPOS MAGKA-COVID
-
LSI lumabas sa quarantine facility para dumalo sa birthday party
-
BREAKING NEWS: Mula isa hanggang umabot sa mahigit 41 call center agents sa Bacolod, nagpositibo sa COVID-19
-
HUE HOTEL SA BORACAY, PINASARADO MUNA DAHIL SA COVID