Connect with us

Aklan News

MOTORISTA PATAY MATAPOS BUMANGGA SA VAN

Published

on

Numancia – Patay ang isang rider matapos aksidenteng bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang van, alas 6:30 kagabi sa highway ng Tabangka, Numancia.

Nakilala ang biktimang si Dionel Todo, 38 anyos ng Pudiot, Tangalan.

Base sa imbestigasyon ng Numancia PNP, galing sa direksyon ng Poblacion, Numancia papuntang Makato ang nagmomotorsiklong biktima, nang mag-swerve o umikot umano ito papunta sa linya ng van na minamaneho naman ni Nolie Valencia, 40 anyos ng Tabayon, Banga.

Resulta, nagkabanggaan ang dalawa at nilipad sa palayan ang motorsiklo.

Kaagad rumesponde ang mga taga MDRRMO at dinala sa ospital ang biktima, subalit binawianito ng buhay habang ginagamot.

Samantala, nasa kustodiya naman ngayon ng Numancia PNP ang driver ng van para sa karampatang disposisyon.

Maliban sa madulas na kalsada sanhi ng halos walang humpay na pag-ulan, nabatid na walang ilaw ang motorsiklo ng biktima nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *