Connect with us

Aklan News

2 MAGKASABWAT SA PAGTUTULAK NG MARIJUANA BORACAY, TIKLO

Published

on

Kalaboso sa isinagawang buy bust operation ng mga otoridad ang dalawang lalaking tulak ng marijuana kaninang madaling araw sa Sitio Diniwid, Balabag, Boracay Island.

Pinangalanan ang mga suspek na sina Mark Anthony Lozano, 28 anyos, tubong Iligan City at Jose Gelito, 54 anyos, tubong Negros Oriental na mga kapwa nakatira ngayon sa isla.

Sa panayam ng Radyo Todo kay PMAJ Don Dicksie De Dios, hepe ng Malay PNP, dalawang linggo na nilang minamanmanan ang suspek bago naisakatuparan ang buy bust operation.

Nabatid na dati ng drug surrenderer si Gelito na halos kakagraduate lang sa programa ng Barangay Anti-Drug Abuse Council.

Narekober sa mga suspek ang isang sachet ng marijuana kapalit ng P500 na buy bust money at 3 pang stick ng sigarilyo na may lamang suspected marijuana sa body search.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *