Connect with us

Aklan News

LABORER, PATAY SA PAMAMARIL

Published

on

Nabas – Patay ang isang laborer matapos na barilin kagabi Sa Brgy. Buenasuerte, Nabas.

Ang biktima ay nakilalang si Roland Geronimo, 27-anyos samantalang ang suspek ay nakilala namang Si Jessie Trusidel, sa legal na edad, Brgy. Tanod at parehong residente ng nasabing lugar.

Ayon kay PSSgt. Melvin Alba ng Nabas PNP, mga dakong alas 6:00 kagabi ay umuwi ang biktima na lasing galing sa fiesta Sa Brgy. Nagustan, Nabas at nag wala sa may kalsada kung saan aabangan daw nito ang kanyang kalaban.

Mga dakong alas 8:00 kagabi ay nalaman umano ng suspek na kakauwi rin galing sa fiesta na nag eskandalo ang biktima kaya agad nitong pinuntahan para sana kumprontahin ang biktima pero sa kanilang pagtatalo ay bigla na lamang binaril ng suspek ang biktima.

Nagtamo ng tama Sa kanang likod ang biktima na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Sa ngayon ay patuloy pa ang isinagawang manhunt operation ng nabas PNP laban sa suspek na tumakas pagkatapos ng kremin.

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *