Connect with us

Aklan News

AKLAN, MAY 9 BAGONG COVID CASES SA NAKARAANG WEEKEND

Published

on

Aabot na sa halos 637 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Aklan, matapos makapagtala ng 9 na mga bagong kaso nitong weekend ang Aklan Provincial Health Office (PHO).

Pero sa nasabing bilang, 34 lang ang active cases o iyong hindi pa gumagaling sa sakit.

Mayroon na kasing 581 na gumaling sa sakit, kung saan 13 ay naitala nitong nakaraang Sabado at Linggo.

Kasalukuyang naka-facility quarantine ang 30 sa mga natitirang COVID positive at 4 naman ang admitted sa ospital.

Wala namang bagong naiulat na namatay sa COVID-19 kaya’t nananatiling 22 ang kabuuang death toll.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *