Connect with us

Aklan News

Mga siklistang masisiraan ng bisikleta sa daan, may matatakbuhan nang libreng bike repair stations

Published

on

Larawan mula sa Facebook post ni Board Member Juris B. Sucro

Ilang lugar sa bayan ng Kalibo ang nakatakdang paglagyan ng mga bike repair stations ngayong araw ng Linggo.

Ang mga mauunang magkaroon ng bike repair stations ay ang Brgy. Poblacion, Nalook, at Tigayon. Kabilang naman sa mga sunod na paglalagyan nito ay ang mga bayan ng Banga at New Washington.

Ang bawat bike repair station ay mayroon mga repair tools at air pump na maaaring magamit sa pag-ayos ng bisikleta. Layon ng proyektong ito ni Board Member Juris B. Sucro na makatulong sa mga siklistang maaaring masiraan ng bisikleta sa daan.

Matatandaang naging mahirap ang transportasyon sa probinsya maging sa iba pang bahagi ng bansa dahil sa kabi-kabilang community quarantine bunsod ng pandemya.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit dumami ang bilang ng mga gumagamit ng bisikleta. Lalo pang nadagdagan ang mga bike enthusiasts at siklista dahil malaki ang natitipid sa pamasahe, nakatutulong ito sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan, at nakabubuti rin sa kalikasan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *