Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLONG MINAMANEHO NG LASING, SUMALPOK SA FORTUNER

Published

on

Kalibo – Sugatan ang isang lasing na rider ng motorsiklo matapos sumalpok sa isang Fortuner mag-aalas 6:00 kagabi sa Estancia, Kalibo. Nakilala ang biktimang si Jay-ar Legaspi, 35 anyos ng Ochando, New Washington, at ang driver naman ng Fortuner na si Jimmy Crispino, 46 anyos ng Joyao-joyao, Numancia. Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, papuntang Banga ang Fortuner nang nag-Uturn umano ito pabalik sa Kalibo, subalit aksidenteng nabangga ng motorsiklong minamaneho ng biktima na galing naman sa Banga. Resulta, nagtamo ito ng sugat sa katawan, subalit tumangging magpaconfine sa ospital matapos irescue ng mga taga MDRRMO. Samantala, nagkaareglo naman kagabi sa Kalibo PNP ang magkabilang panig.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *