Connect with us

Aklan News

BAHAY, NILOOBAN NG MINOR DE EDAD

Published

on

KALIBO – Nilooban umano ng isang pinaniniwalaang minor de edad ang isang bahay sa Purok 2, C.Laserna St., Poblacion, Kalibo bandang ala 1:30 kaninang madaling araw.

Personal na inireport alas 7:30 ngayong umaga sa Kalibo PNP ng biktimang si Robert Villanueva ng nasabing lugar ang insidente na kaagad namang inimbistigahan ng mga pulis.

Base sa kanyang sumbong, papasok umano sana siya ng kanilang cr upang umihi, nang mapansin umano nito ang pinaniniwalaang minor de edad sa loob mismo ng kanyang kuwarto, na kaagad tumalon sa bintana at tumakas nang mapansin siya nito.

Kaagad inusisa ng biktima ang kanyang mga gamit, at doon na umano nito natuklasang nawawala na ang kanyang wallet na may lamang P480.00, mga ID, at maging ang ilang damit doon.

Patuloy namang tinututukan ng mga pulis ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *