Aklan News
WANTED SA KASONG CHILD ABUSE ARESTADO

Published
4 weeks agoon

Nabas -Arestado sa kasong child abuse ang isang lalaki sa Brgy. Toledo, Nabas dakong 6:30 kagabi.
Nakilala ang akusadong si Edgar Flores, 51 anyos residente ng Brgy. Toledo Nabas, Aklan.
Isinilbi ng Nabas PNP kay Flores ang Warrant of Arrest sa kasong paglabag Sa RA 7610 o Special Protection of children Against Child Abuse na nilagdaan ni Hon. Judge Bienvenido P. Barrios Jr., Presiding Judge Branch. 3 nito lamang January 29, 2021.
180k pesos ang piyansang inirekomenda ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan
Pansamantalang nakakulong sa Nabas PNP Station ang nasabing akusado.
Continue Reading
Advertisement
You may like
Click to comment