Connect with us

Aklan News

2 MOTOR INARARO NG PICK UP, 3 SUGATAN

Published

on

Balete – Tatlo ang sugatan matapos umanong araruhin ng isang pick-up ang dalawang motorsiklo alas 4:25 kaninang hapon sa highway ng Cortes, Balete.

Nakilala ang mga biktimang sina Roy Alisasis, driver ng motorsiklo, at angkas nitong si Cris Talicusay, kapwa sa legal na edad, at Franklin Patricio, 29 anyos, lahat residente ng Lalab, Batan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Balete PNP, pauwi na galing sa pinagtatrabahuhang manukan sa Feliciano, Balete ang mga biktima nang aksidente umanong mabangga ng pick-up na minamaneho ni Herbert Randell Bastareche, 43 anyos ng Linayasan, Altavas.

Ayon pa sa Balete PNP, na nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang driver pagdating sa kurbadang kalsada, kung kaya’t natumbok nito ang mga nasabing motorsiklo.

Resulta, kapwa sumemplang sa kalsada ang mga motorsiklo at nagtamo ng pinsala sa kani-kanilang katawan ang mga biktima.

Kaagad silang dinala sa pribadong ospital kung saan sila patuloy na ginagamot.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng Balete PNP ang driver ng pick-up na nag-abot narin umano ng tulong pinansyal sa mga biktima.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *