Connect with us

Aklan News

HUE HOTELS, TINIYAK NA GINAGAWA ANG MGA HAKBANG UPANG MAGING LIGTAS ANG MGA TAUHAN AT BISITA MATAPOS MAGPOSITIBO ANG ISANG EMPLEYADO

Published

on

Hue Hotels

Tiniyak ng pamunuan ng HUE HOTELS AND RESORT BORACAY na ginagawa nila ang lahat ng mga nararapat gawin upang hindi malagay sa panganib ang kaligtasan at kalusugan ng kanilang mga tauhan at bisita.  Ito ay matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isa sa kanilang mga empleyado.

“We would like to reassure our stakeholders that all necessary actions to mitigate the risk to our employees and guests were undertaken,” ani ng general manager ng nasabing resort sa isang official statement.

Kinumpirma ni GM Sheryl Cham na isa sa kanilang mga tauhan ang nagpositibo sa COVID-19 noong Enero 26, 2021, base sa resulta ng RT-PCR na ni-require ng Malay LGU.  Ang pasyente umano ay asymptomatic.

Inihayag niya na agad umanong nakipag-ugnayan ang resort sa Municipal Health Office (MHO) at inilipat ang nagpositibong empleyado sa isang temporaryong pasilidad upang masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga tauhan at mga kliyente.

Pagkatapos noon ay dinala umano ang nasabing empleyado sa isang quarantine facility sa Kalibo.  Masusi umano nilang sinusubaybayan ang kalagayan ng kanilang empleyado upang masiguro na naibibigay ang kaniyang mga pangangailangan.

Ayon pa sa pahayag, pagkatanggap nila ng impormasyon hinggil sa resulta ng test ay agad silang nagsagawa ng contact tracing at wala naman umanong naging close contact na guest ang pasyente.  Wala rin daw na itinuturing na high risk na bisita ang MHO.

Subalit, may isang empleyado na itinuring na close contact.  Ang nasabing empleyado ay nag-negative sa swab test ngunit pinayuhan pa ring sumailalim sa 14-day quarantine.

Dagdag pa niya, agad din silang nagsagawa ng masusing paglilinis at pagdi-disinfect sa mga lugar na pinaglalagian ng maraming tao tulad na lamang ng mga opisina, palikuran, at mga shared equipment, lalo na sa mga bagay at mga lugar na laging hinahawakan.

“This was done over and above the regular cleaning and disinfection procedures we undertake,” dagdag pa ni Cham.

Ayon pa sa general manager, ang mga empleyado ay masusing nag-iingat at laging sumusunod sa mga health protocols kaya walang dapat ipangamba ang mga stakeholders.

“Please be assured that Hue Hotels & Resorts Boracay has stringent health and safety protocols in place which our employees and guests adhere to. All employees wear the appropriate PPE while on duty, undergo daily health screening checks, and follow social distancing guidelines,” ani Cham.

Ang Hue Hotels Boracay ay pansamantalang isasara ng dalawang araw simula Enero 31 hanggang Pebrero 1, 2021 para sa pagsasagawa ng “thorough and complete disinfection”.

“We remain committed to ensure the safety of all our guests and employees by adhering to the hotel’s health and safety protocols as well as the measures instituted by the LGU and DOT,” pagtitiyak pa ni Cham.

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *