Connect with us

Aklan News

30 ANYOS, GINILITAN SA LEEG NG KAINUMAN

Published

on

Ibajay – Nakatakdang operahan sa leeg ang isang lalaking ginilitan ng mismong kainuman bandang alas 3:00 kahapon ng hapon sa Polo, Ibajay.

Nakilala ang biktimang si Raffy Tabas, 30 anyos, habang arestado naman ang suspek na si Marlo Tejada, 34 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Ibajay PNP, magkasama sa inuman sa isang bahay ang biktima at suspek nang may nag-ungkat na isa sa kanilang kainuman tungkol sa dati nilang away.

Sumagot umano ang biktima na ayaw na nitong balikan ang nangyari, subalit nawala saglit ang suspek at bumalik na may dalang patalim.

Inikutan umano nito ang biktima sa likod at ginilitan sa leeg ang biktima.

Kaagad namang naawat ang suspek at naaresto ng mga tanod at dinala sa Ibajay PNP Station kung saan siya nakakustodiya ngayon habang inihahanda ang karampatang kasong isasampa sa kanya.

Nabatid pa sa imbestigasyon na nagsuntukan dati ang dalawa nito lamang nakaraang Sto. Niño Ati-atihan sa Ibajay.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *