Connect with us

Aklan News

AKLAN STATE UNIVERSITY, HINDI PAPAYAGANG MAKAPASOK ANG CPP NPA PARA GULUHIN ANG KANILANG MGA ESTUDYANTE

Published

on

By

Ikinalulungkot ni Dr. Emily M. Arangote, Presidente ng Aklan State University, ang pagkakadawit ng kanilang paaralan na target umano ng mga CPP-NPA para sumanib sa kanilang hanay.

Ayon sa kanya hindi nila alam ang anumang nangyayaring Recruitment ng mga komunistang grupo sa kanilang mga mag-aaral at hindi sila papayag sa karahasan at kinokondena nila ang anumang karahasang magaganap.

Ayon pa sa kanya mahigpit nilang pinatutupad ang istriktong pag protekta sa kanilang Institusyon.

“ASU had not and will never support, nor allow, any violent movement aimed at overthrowing the government. We will not allow communist-terrorist groups to destroy the future of our students; hence, ASU is one with the peace-loving Aklanons in denouncing their criminal activities”, nakasaad sa kanyang statement.

Nirerespeto din nila ang kalayaan ng bawat isa para ihayag ang kanilang pananaw at ediya.

Nagpapasalamat din sila sa National Task Force to End local Communist Armed Conflict at hindi mababawasan ang kanilang maalab na suporta sa hanay ng militar.

Kanila ring pinasisiguro ang proteksyon at siguridad ng mga mag aaral.

Sa huli patuloy parin anya ang matibay na samahan ng kanilang institusyon at ng gobyerno para sa pag unlad nito.

“Ang Aklan State University ay isang haligi ng kahusayan para humubog ng mga mag-aaral para maging inspirasyon pag asa at mag hatid ng kapayapaan sa mga estudyante at kumunidad”, pahayag pa ni Dr. Arangote.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *