Connect with us

Aklan News

29 ANYOS NA MISTER, NAGBIGTI-PATAY

Published

on

Makato – Patay na nang matagpuan ng mismong kapatid ang isang mister matapos umano itong magbigti sa kanilang bahay sa Mantiguib, Makato.

Ayon sa kapatid ng biktima, bandang alas 8:00 kaninang umaga nang utusan siya ng kanilang ina na tingnan ang kapatid sa kanilang bahay matapos mapansing hindi parin ito nakikitang lumabas.

Tinawag din umano nila ito, subalit walang sumasagot at naka lock parin ang pintuan at bintana ng bahay nito, bagay na umakyat na sa bubong ang kapatid.

Sinilip umano ng kayang kuya ang bintana, at doon na nakitang nakabitay ang biktima sa beam ng kanilang kuwarto.

Sa presensya ng Makato PNP, nabatid na ang kapatid narin umano mismo nito ang nagtanggal sa pagkakabigti sa biktima   na dinala naman kinalaunan sa isang punerarya.

Samantala, kumbinsido naman umano ang pamilya ng biktima na walang foul play sa pagpapatiwakal nito.

Nabatid na hinatid pa ng biktima ang kanyang asawa at 1 taong gulang na sanggol sa Malinao, at mag-isa na lamang umano itong umuwi sa Mantiguib bandang alas 3:00 kahapon ng hapon hanggang sa matuklasang nagbigti pala ito sa kanilang kuwarto.

Samantala, sinabi pa ng pamilya ng biktima na wala naman itong nababanggit na anumang problema sa kanila na posibleng dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

NOTE: Kung ikaw ay may kakilalang nangangailangan ng tulong ukol sa mental health, i-contact ang National Mental Health Crisis Hotline sa mga numerong: 0917-899-8727 o 989-8727

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *