Connect with us

Aklan News

TRAYSIKEL SINALPOK NG PICK UP, 2 SUGATAN

Published

on

Lezo – Dalawa ang sugatan matapos aksidenteng sinalpok ng pick up ang isang traysikel bandang alas 3:30 kaninang hapon sa intersection road ng Bagto, Lezo at by pass road.

Nakilala ang mga biktimang sina Kien Igup, 22 anyos ng Manhanip, Malinao, at Meyra Leine Igual, 49 anyos ng Poblacion, Malinao.

Base sa imbestigasyon ng Lezo PNP, galing Numancia at pauwi ang direksyon ng traysikel na minamaneho mismo ng ama ni Kien na si Merlito Igup, nang aksidente umanong mabangga ng Ford Ranger pick-up na galing Nabas na minamaneho naman ni Roque Bulao, 53 anyos ng Panay, Capiz.

Lumalabas kasi sa imbestigasyon na mabilis umano at hindi nag-minor ng takbo ang pick up, kung kaya’t nasapol nito sa kanang bahagi ang traysikel kahit sinubukan niya itong iwasan.

Sanhi nito, sinasabing nahulog mula sa traysikel ang dalawang biktima at nagtamo ng pinsala sa katawan.

Kaagad naman silang dinala sa isang pribadong ospital kasama ang driver ng traysikel na nahilo sanhi ng insidente.

Samantala, nagkaareglo naman umano ang magkabilang panig matapos mangako ang driver ng pick up na tutulong ito sa gastusin medikal ng mga biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *