Connect with us

Aklan News

BINATANG MAY EPILEPSY, NATAGPUANG PATAY MATAPOS MALUNOD

Published

on

Libacao – Patay na nang matagpuan bandang alas 7:00 kaninang umaga sa tabing ilog ng Sitio Proper, Casit-an, Libacao ang isang binatang may epilepsy matapos umanong malunod.

Kinilala ng Libacao PNP ang biktimang si Mark Raven Sante, 23 anyos ng nasabing lugar.

Ayon sa Libacao PNP, mismong si Casit-an Barangay Kagawad Rowen Zarandin na tumatawid noon sa ilog ang nakakita sa biktimang nakatihaya doon.

Kaagad umano niya itong ipinagbigay-alam sa Libacao PNP na kaagad ding nagsagawa ng imbwstigasyon.

Lumalabas sa pag-uusisa ng mga pulis na naghugas ng kanyang katawan sa ilog ang biktima at doon din ito sinumpong ng epilepsy, ayon narin umano sa kanyang pamilya.

Nabatid na mataas ang ilog kagabi dahil sa pagbaha, na posibleng umanod sa biktima sa kalahating kilometrong layo mula sa bahay ng kanyang lola kung saan ito natutulog kung gabi.

Ayon pa sa Libacao PNP, wala namang nakitang foul play sa pagkamatay ng biktima, at pagkalunod ang pinaniniwalaang sanhi ng pagkamatay nito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *