Connect with us

Aklan News

Traysikel drayber, patay matapos bumangga ang minamanehong traysikel sa niyog

Published

on

Tangalan – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang 55 anyos na traysikel drayber matapos bumangga ang minamanehong traysikel sa puno ng niyog alas 3:30 kaninang umaga sa Brgy. Dapdap, Tangalan.

Nakilala ang biktimang si Tomas Talaga, reisdente rin ng nasabing lugar.

Ayon sa report, galing sa Brgy. Tondog ang biktima at nakipag inuman doon at kaninang madaling araw lamang nakauwi.

Kaagad namang rumesponde ang Tangalan MDRRMO at dinala sa ospital ang biktima subalit idineklara na itong patay ng doktor.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *