Connect with us

Aklan News

TOP DOWN TRICYCLE SINALPOK NG MOTOR, 2 SUGATAN

Published

on

Numancia – Dalawa ang sugatan matapos aksidenteng mabangga ng motorsiklo ang isang topdown alas 12:55 kaninang hapon sa Laguinbanwa East, Numancia.

Nakilala ang mga biktimang sina Christian Alen Abiera, 23 anyos ng Leon, Iloilo, na kasalukuyang residente ng Bulwang, Numancia, at Ronnie Melgar, 53 anyos ng Navitas, Malinao.

Base sa imbestigasyon ng Numancia PNP, parehong papunta sa direksyon ng Numancia ang dalawa nang bigla na lamang umanong lumiko pakaliwa ang topdown na minamaneho ni Melgar, rason na aksidenteng bumangga roon ang motorsiklo ni Abiera.

Sinasabing napausod ang topdown sa lakas ng pagkakabangga ng motorsiklo na sumemplang naman sa kalsada.

Sanhi nito, kapwa umanong nabalian sa kani-kanilang kaliwang kamay ang mga biktima na kaagad ding isinugod sa provincial hospital kung saan sila kapwa ginagamot ngayon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *