Connect with us

Aklan News

MURDER, ISINAMPA LABAN SA PUMATAY SA KAPWA INMATE

Published

on

Kalibo Aklan-Sinampahan ng kasong murder ang suspek na inmate matapos tagain-patay ang kapwa inmate kagabi sa loob mismo ng Aklan Rehabilitation Center.

Sa panayam kay Police Major Belshazzar Villanoche, tinaga ng tatlong beses sa ulo ni Art Tumbukon si Rommel Tambong habang natutulog ito sa kanyang selda alas 10 kagabi.

Napag alaman na nagalit si Tumbukon kay Tambong dahil isinumbong nito sa iba nilang kasamahan na may ginagamit itong cellphone hanggang sa nakarating sa ilang personnel ng ARC at kinumpiska ito dahil mahigpit na ipinagbabawal ang pag gamit ng gadget sa loob ng nasabing pasilidad.

Dag-dag pa ni Villanoche na ginagamit sa paglilinis ng paligid sa Aklan Rehabilitation Center ang bolo na ginamit ni Tambong. Nakalagay diumano ito sa storage room.

Napag alaman na may kaso rin na murder at frustrated murder ang suspek. Hindi na rin nagbigay ng kanyang paliwanag ang suspek hinggil sa nasabing krimen

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *