Connect with us

Aklan News

DATING BILANGGO DAHIL SA DROGA, ARESTADO SA BUYBUST 

Published

on

Boracay- Arestado sa isinagawang buy-bust operation ng Malay PNP sa Sitio Bantud, Manocmanoc Boracay ang isang 37 anyos na lalaki matapos mabilhan ng marijuana.

Nakilala ang naaresto na si Raffy Dalisay, 37 anyos, tubong Roxas, Oriental Mindoro at naninirahan na ngayon sa Sitio Angol Manocmanoc, Boracay.

Inaresto ang suspek matapos mabilhan ng isang plastic sachet ng marijuana kapalit ng 500 pesos buybust money.

Narekober sa isinagawang body search sa posisyon ng suspek ang isa pang plastic sachet ng marijuana at 500 pesos buybust money..

Ayon sa Malay PNP na taong 2011 ay nakulong din ang suspek dahil sa illegal na droga at nakalaya Ito noong 2018.

Sa ngayon ay pansamantalang nakakulong sa Malay PNP ang suspek na mahaharap sa kasong pag labag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *